Blogpost: Paano Maiiwasan ang Dengue: Protektahan ang Pamilya Mo!

__________

Hi friends!

Alam natin na kapag tag-ulan, hindi lang baha ang kalaban—nariyan din ang dengue! Isa ito sa mga sakit na mabilis makahawa at pwedeng maging grabe, lalo na sa mga bata. Kaya habang maaga pa, let’s take action!


Dengue Update (June 2025)

Mahigit 110,000 dengue cases na ang naitala mula January hanggang May 10, 2025, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa Metro Manila pa lang, mahigit 19,000 cases ang nai-report — 224% increase kumpara sa parehong panahon noong 2024.

437 deaths ang naiulat, karamihan ay mga batang edad 5 hanggang 9 taong gulang.


Sabi nga ng DOH:

Mas mababa po ang immunity ng mga bata compared sa adults kaya mas tinatamaan po sila ng dengue.”


Source: GMA News, June 5, 2025


Ano nga ba ang Dengue?

Ang dengue ay sakit na dala ng lamok na may virus. Minsan parang trangkaso lang, pero sa ibang kaso, puwedeng magdulot ng matinding lagnat, pananakit ng katawan, at kung lumala, delikado talaga.

Ngayong may surge ng cases, mas mahalaga ang pag-iingat at proteksyon.


Paano Protektahan ang Bahay Laban sa Lamok?

  1. Alisin ang nakaimbak na tubig sa bote, gulong, paso
  2. Linisin ang kanal at alulod
  3. Gumamit ng screen sa bintana
  4. Gumamit in insect repelent at mosquito nets

Sundin ang “4S” ng DOH:

   ✔️ Search and destroy

   ✔️ Self-protection

   ✔️ Seek early consultation

   ✔️ Support fogging

DOH also promotes the “Alas Kuwatro Kontra Lamok” campaign — Magtapon, Taktak, Tuyo, Takip.



Tips para Iwas Kagat ng Lamok

  • Magsuot ng mahahabang damit
  • Gumamit ng insect repellent
  • Matulog gamit ang kulambo
  • Iwasan lumabas sa madaling araw at dapit-hapon
  • Turuan ang pamilya at komunidad


Sintomas ng Dengue

  1. Mataas na lagnat
  2. Pananakit ng ulo o mata
  3. Rashes
  4. Joint pain
  5. Pagkahilo, biglaang bagsak ng BP (delikado!)

Kapag naramdaman ang sintomas, magpatingin agad sa doktor.


Proteksyon sa Gastusin sa Ospital

✔️ HMO coverage for ER & inpatient bills

✔️ AIA Med Assist for daily hospitalization allowance

✔️ Critical Protect 100 – long-term protection hanggang age 100

Hindi lang katawan ang pinoprotektahan — pati ang bulsa mo.


Final Reminder:

Sabi ng DOH:

“Puwede pong mauwi sa kamatayan if hindi po natin maagapan, kaya prevention is better than cure.”

Let’s be proactive!

If you need help choosing the right health plan for you or your kids, send me a message — or comment “PROTECT” down below I’m here to help! ❤️

Let’s fight dengue together. Stay safe, stay protected!


_________



– Ana Estrella
Licensed Financial Advisor | Advocate for Financial Literacy
Founder 
Plan B - Buhay at Plano

Comments

Popular posts from this blog

Buhay at Plano: Why Every Filipino Needs a Financial Game Plan

PRIMA Elite by Maxicare – Premium Healthcare for P19,999/year

From Uncertainty to Purpose: My Journey as a Financial Advisor