Bakit Laging Kakaunti ang Natitira sa Sweldo Ko!?
— Bakit Laging Kakaunti ang Natitira sa Sweldo Ko!? A ng saya kapag sweldo day, ’di ba? Pero ilang araw pa lang, parang “ na-evaporate” na ang pera. San na napunta? Bakit parang laging kapos kahit parang okay naman kita? Ang Hindi Mo Nakikitang Butas: Walang Budget at Tracking M arami sa atin ang gumagastos base sa emotions , hindi sa plano. Kaya kahit gaano pa kalaki ang income mo, kung hindi mo alam saan napupunta, laging parang kulang. Lalo na kapag may biglaang gastusin—wala kang huhugutin. Simulan Mo Sa Budget Na Swak Sa Current Status Mo. H indi mo kailangan ng complicated spreadsheet. Kahit simpleng listahan lang ng income vs. gastos, malaking bagay na. Make it evolve—kung nagbago ang priorities (gaya ng pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya, pagbabago sa income), dagdag o bawas din sa budget. Tandaan: ang budget, parang katawan—kailangan pinapasuot mo ng tamang fit. A ng budget mo dapat tumutugma sa pangangailangan mo ngayon, hindi sa gusto mo lang o sa nakikita mong life...